Pamasahe sa jeep iro-rollback ng LTFRB

By Jong Manlapaz December 03, 2018 - 12:11 PM

May maagang pamasko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mananakay.

Nakatakdang ianunsyo ngayong araw ng LTFRB ang rollback sa pamasahe sa pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTRB Chairman Martin Delgra, inaayos na nila ngayon ang isang board resolusyon mula kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Artur Tugade.

Ito ang nag-aatas sa LTFRB na bawasan ang pamasahe sa pampublikong sasakyan.

Tatalakayin pa ng LTFRB kung magkano ang ibabawas sa pamasahe at kung kabilang dito ang pampasaherong bus o ang jeep lamang.

Una ng nagtaas ng pamasahe sa jeep ng P2 habang may fare hike rin ang mga pampasaherong bus.

TAGS: jeepney fare, rollback, jeepney fare, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.