Partial reorganization sa SC divisions ipinatupad ni CJ Bersamin
Nagpatupad ng reorganization sa mga dibisyon ng Korte Suprema si bagong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Sa kaniyang special order, itinalaga ni Bersamin si Associate Justice Rosmari Carandang bilang karagdagang miyembro ng Supreme Court 3rd division.
Miyemro din si Carandang sa 2nd division ng SC.
Kaugnay nito inatasan ni Bersamin ang dalawang dibisyon na huwag pagsasabayin ang schedule ng kanilang sesyon para madaluhan ito pareho ni Carandang.
Mananatili naman sa kani-kanilang dibisyon ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.