Crash and Rescue Exercise isinagawa sa NAIA

 

Nagdaos ng isang Crash and Rescue Exercise o CREX sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Gumamit ng isang makeshift na eroplano na pinangalanang CREX 2015 na kunyari ay nakaranas ng aberya sa makina ng eroplano ilang minuto matapos magtake-off kaya ito bumagsak sa bahagi ng runway 24.

Walong minuto matapos bumagsak ang eroplano agad rumesponde ang mga bumbero ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Matapos maapula ang apoy, nilapitan na ng mga rescuers ang eroplano para ilabas ang mga pasahero.

May mga inihanda ring cadaver bags kung saan inilagay ang katawan ng mga nasawi sa plane crash.

Habang nagtayo naman ng medical at command center tents para sa mga survivors.

Kunyari ay patungo sana ng El Nido, Palawan ang bumagsak na eroplano na may sakay na anim na crew at 75 pasahero.

Isinagawa ang CREX sa Aviation Support Industrial Area Complex.

Nilahukan ito ng mga tauhan ng MIAA partikular ang mga tauhan mula sa Medical Division Rescue, Rescue and Firefighting Division, Airport Operations Department, Airport Police Department, Emergency Services Department, Public Affairs Department, PNP-Aviation Security Group, at Secondary Responders Support Group.

Layon ng CREX na mas mahasa pa ang kakayahan ng mga tauhan at first responders sa NAIA sa mga sitwasyon ng plane crash at iba pang insidente sa paliparan.

Ang CREX ay isinasagawa tuwing ikalawang taon na layon ding makatugon sa security standards na itinakda ng ICAO o International Civil Aviation Organization.

Read more...