Marian Rivera kinilala bilang “Celebrity Breastfeeding Influence”

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2018 - 09:43 AM SHARE(S):

Kinilala bilang “Celebrity Breastfeeding Influencer” ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ang pagkilala ay iginawad ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines (MCNAP).

Sa kaniyang post sa Instagram nagpasalamat sa grupo si Marian dahil sa pagkilala.

Sinabi ni Marian na masaya siyang naibahagi niya ang kaniyang karanasan bilang breastfeeding mom sa panganay na si Zia.

Ayon kay Marian, excited na siya sa pagdating ng kanilang baby boy.

Tiniyak ni Marian Sa MCNAP na kaisa siya sa layuning maipalaganap ang kahalagahan ng breastfeeding.

TAGS: Marian Rivera, MCNAP, Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Radyo Inquirer, Marian Rivera, MCNAP, Mother and Child Nurses Association of the Philippines, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.