1 patay, 18 sugatan sa aksidente sa Batangas

Isa ang patay habang 18 ang nasugatan sa aksidente na naganap sa kahabaan ng Star Tollway sa Malvar, Batangas.

Ayon kay Sr. Supt. Edwin Quilates, Batangas police director naganap ang aksidente sa bahagi ng Star Tollway sakop ng Barangay Bugtong na Pulo.

Isang Nissan van na ginamit bilang school bus at patungo ng Batangas City ang nasangkot sa self-accident matapos biglang na-flat ang gulong nito.

Ani Quilates, pawang estudyante ang sakay ng van.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente at sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Read more...