41 arestado sa ikinasang Oplan Huli-Day sa Cebu
Aabot sa mahigit 40 katao ang naaresto sa ikinasang Oplan Huli-Day ng Cebu POlice Provincial Office sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Ayon kay Police Sr. Supt. Manuel Javier Abrugena, 41 warrant of arres at isinilbi sa iba’t ibang lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng 41 suspek.
Kabilang sa naaresto ang number 1 most wanted person sa bayan ng Consolacion.
May mga naaresto rin sa iba pang bahagi ng Cebu gaya ng Talisay City, Naga City, Minglanilla, San Fernando, Dalaguete at iba pang mga lungsod at bayan.
Karamihan sa mga nadakip ayon kay Abrugena ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.