Subic Bay International Airport, pwede ring gamitin sa mga apektadong flights sa APEC
Maliban sa Diosdado Macapagal Airport sa Clark, pwede ring gamitin ang Subic Bay International Airport para sa halos dalawang libong flights na kanselado dahil sa gaganaping APEC meetings sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Richard Gordon kung gagamitin lamang ang paliparan sa Subic at Clark, hindi na mapeperwisyo ang libo-libong mga pasahero.
Sinabi ni Gordon na ang Subic Airport ay ginagamit araw-araw ng hanggang labing-walong cargo jets ng isang cargo company sa loob ng ilang taon na.
Kayang-kaya aniya nitong mag-accommodate ng flights na apektado ng kanselasyon. “Fedex handed 18 cargo jets at Subic airport for several years now, why don’t we use it for APEC cancelled fligts?” ayon kay Gordon.
Sinabi ni Gordon na kung gagamitin ang Subic at Clark, maraming flights ang kayang i-accommodate.
Katunayan, dapat aniyang ikunsidera ng pamahalaan na regular nang gamitin ang Subic at Clark lalo pa at hindi naman kaila na congested na talaga ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Magugunitang napakaraming flights ang kinansela na ng mga airline companies para bigyang daana ng biyahe ng mga delegado na dadating sa bansa para dumalo sa APEC Leader’s meeting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.