2 lalaki arestado sa pagsusuot ng uniporme ng pulis sa isang shooting sa Cainta

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2018 - 06:59 AM

Arestado ang dalawang lalaki matapos makitang nakasuot ng uniporme ng pulis habang nagshoo-shooting para sa isang pelikula sa Cainta Rizal.

Ayon sa Cainta police, illegal at walang permit mula sa PNP ang ginawang pagsusuot ng uniporme ng dalawang lalaki.

Isang eksena kung saan inaaresto ang isang umano’y drug suspect ang kinukuhanan para sa pelikula nang mangyari ang pag-aresto.

Ang pelikula ay isasali sana sa isang film competition sa Thailand.

Sasampahan ng reklamo sa piskalya ang dalawa ngayong umaga.

TAGS: Cainta Rizal, police uniform, Radyo Inquirer, Cainta Rizal, police uniform, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.