Closed van tumagilid sa Commonwealth Avenue kanto ng Tandang Sora sa Quezon City

December 03, 2018 - 06:17 AM

Inquirer file photo

Isang closed van ang tumagilid sa sa bahagi ng Commonwealth Avenue kanto ng Tandang Sora sa Quezon City.

Nangyari ang aksidente alas 3:00 ng madaling araw sa linyang patungo ng elliptical road.

Dahil sa nasabing aksidente, tatlong linya ang inokupa ng van dahilan para maagang maperwisyo ang mga motorista.

Ayon sa driver ng van, binabagtas nila ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang maramdaman niyang nagpapagewang-gewang na ang sasakyan.

Pasado alas 6:00 na ng umaga ay hindi pa naiaalis sa lugar ang closed van. Hindi kasi ito kinayang hatakin ng naunang tow truck na dumating sa lugar.

Ginamitan pa ng crane at isang mas malaking tow truck ang van para maialis ito sa lugar bago mag alas 7:00 ng umaga.

TAGS: closed van, commonwealth avenue, quezon city, Tandang Sora, closed van, commonwealth avenue, quezon city, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.