Hanging amihan humina ayon sa PAGASA; malaking bahagi ng bansa apektado ng easterlies

By Dona Dominguez-Cargullo December 03, 2018 - 06:14 AM

Nakararanas ngayon ng monsoon break ang bansa at ang umiiral na weather system ay ang easterlies o mainit sa hangin mula sa Silangang bahagi ng bansa.

Dahil dito, ayon sa PAGASA, maliban sa maalinsangang panahon ay posibleng makaranas ng isolated rainshowers ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot ng lcoalized thunderstorms

Wala pa ring bagyo na inaasahang papasok o mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang 3 araw.

Para ngayong buwan na ito o bago matapos ang taong 2018, sinabi ng PAGASA na 1 hanggang 2 bagyo pa ang papasok sa bansa.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.