M3.0 na lindol, naitala sa Davao Occidental
By Rhommel Balasbas December 03, 2018 - 02:59 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental kaninang alas-2:18 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 135 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.
May lalim ang pagyanig na 43 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol at hindi nakapagtala ng aftershocks.
Dahil nasa katubigan, wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.