Maria Ressa, balik bansa na; arrest warrant laban sa mamamahayag, inilabas na
Kinumpirma mismo ni Maria Ressa, CEO at executive editor ng news website na Rappler na inilabas na ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay sa kasong tax evasion.
Balik-bansa na kagabi ang mamamahayag.
Sa panayam ng media kay Ressa, sinabi nitong handa siyang harapin at labanan ang kinahaharap na mga kaso.
Iginiit nito na pananagutin niya ang gobyerno sa pagtawag sa kanyang kriminal na hindi naman anya totoo.
Ayon sa mga abugado ni Ressa mula sa ACCRA Law firm, isang warrant ang inilabas ni Judge Danilo Buemio ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 laban sa kanilang kliyente.
Nahaharap si Ressa at ang Rappler sa 5 tax evasion cases na inihain ng Department of Justice.
Ang apat na kaso ay isinampa sa Court of Tax Appeals habang ang ikalima ay inihain sa Pasig Court.
Samantala, sinabi ni Atty. Francis Lim na sakaling arestuhin anumang oras si Ressa ay agad silang maghahain ng piyansa ngayong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.