Borongan Diocese naghihintay na sa pagbabalik ng Balangiga Bells
Kasabay ng pagpasok ng Simbahang Katolika sa panahon ng Adbiyento na panahon ng paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo, ay naghihintay na rin ang Diocese of Borongan sa pagbabalik ng Balangiga Bells.
Sa isang pastoral letter, sinabi ni Bishop Crispin Varquez na umaasa sila sa isang maagang regalo ngayong Pasko – ito ay ang pagbabalik ng naturang mga kampana.
Ani Varquez, muling ipinakita ng Diyos ang kalooban nito sa Simbahang Katolika sa Pilipinas at maging sa buong bansa.
Napapanahon anya na ang pagbabalik ng Balangiga bells ay kasabay ng paggunita sa panahon ng pag-asa at kapayapaan.
Giit ng obispo, ginagamit ang mga kampana sa panalangin at pagsamba, na mga gawaing pinagkukunan ng tunay na pag-asa at kapayapaan.
Bahagi anya ang mga ito ng buhay-Kristiyano sa komunidad.
Matatandaang umaarangkada na ang koordinasyon ng gobyerno ng Pilipinas at Estados Unidos para sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa St. Lawrence Parish sa Balangiga, Eastern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.