Dating Sen. Miriam Defensor Santiago gagawaran ng Quezon Service Cross Award ngayong araw

By Rhommel Balasbas December 03, 2018 - 03:16 AM

Igagawad ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senador Miriam Defensor Santiago ang Quezon Service Cross award.

Ito ang pinakamataas na civilian service award sa Pilipinas.

Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga Filipino na sumailalim mismo sa nominasyon ng presidente at inaprubahan ng Kongreso.

Magaganap ang seremonya ng paggawad ng Quezon Service Cross sa yumaong senadora sa Malacañang mamaya.

Si Santiago ang kauna-unahang babaeng tatanggap ng Quezon Service Cross mula noong 1946.

Naigawad na ito sa limang personalidad kabilang sina Emilio Aguinaldo, Carlos P. Romulo, Ramon Magsaysay, Benigno Aquino Jr. at Jesse Robredo.

Matatandaang naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Senador Grace Poe at Senador Sonny Angara upang himukin si Pangulong Duterte na igawad kay Santiago ang parangal.

Ito ay dahil sa dedikasyong pinakita nito sa serbisyo publiko sa pamamagitan ng kanyang paninilbihan sa lahat ng sangay ng gobyerno.

TAGS: quezon service cross award, Sen. Miriam Defensor Santiago, quezon service cross award, Sen. Miriam Defensor Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.