Palasyo kumpyansang maipapasa ng Senado ang 2019 budget bago mag-Christmas break

By Rhommel Balasbas December 03, 2018 - 02:55 AM

Kumpyansa pa rin ang Palasyo ng Malacañang na maipapasa ng Kongreso ang panukalang 2019 national budget bago ang nakatakdang Christmas break nito sa December 14.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagpahayag na ang mga senador na sumusuporta sa administrasyon na tatrabahuin ng 12 oras kada araw ang budget mula sa linggong ito.

Matatandaang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na natengga ang 2019 budget sa Mababang Kapulungan dahil sa mga isiningit na budget para sa mga mambabatas.

Iginiit ni Panelo na karapatan ng Kongreso na pagdesisyunan ang budget ng kanilang mga miyembro para sa susunod na taon.

Ang pahayag na ito ng Malacañang ay matapos umamin si Majority Leader Rolando Andaya Jr. na makatatanggap ng P60 milyon ang mga Kongresista habang P200 milyon naman ang sa mga senador para sa kanilang mga proyekto.

Itinanggi naman ng mambabatas na ang mga budget insertions na ito ay pork barrel funds.

Sakaling hindi maipasa sa takdang oras ang panukalang 2019 budget ay magkakaroon ng reenactment ng 2018 budget sa susunod na taon.

TAGS: 2019 national budget, Malacañang, Salvador Panelo, 2019 national budget, Malacañang, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.