Pagdami ng biktima ng common crimes, paalala para magdoble-kayod ang pulisya – Albayalde

By Rhommel Balasbas December 03, 2018 - 01:30 AM

Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na ang pagdami ng mga nabiktima ng common crimes ay paalala sa mga awtoridad na magdoble kayod.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 6.1 percent o 1.4 milyong pamilyang Filipino ang nabiktima ng common crimes sa third quarter ng 2018.

Mas mataas ito sa 5.3 percent na naitala noong second quarter ayon sa SWS.

Iginiit ni Albayalde na ‘improvement’ pa rin namang maituturing ang resulta ng survey mula sa 6.6 percent na crime victimization rate na naitala noong 1st quarter at sa 11.4 percent naman mula noong April hanggang June 2016.

Tiniyak naman ng opisyal na ‘manageable’ pa rin ang bilang ng nabiktima ng krimen at naniniwala silang tumaas ito dahil sa pagsapit ng holiday season kung saan mas marami ang nananamantala.

Iginiit pa ni Albayalde na ang pagtaas sa bilang ay dahil sa tiwala ng publiko sa pulisya sa pagsusumbong sa mga krimen.

TAGS: Common crimes victims, Philippine National Police, sws survey, Common crimes victims, Philippine National Police, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.