Higit 100 imahen ng Birheng Maria, iprinusisyon sa Intramuros
Higit 100 imahen ng Birheng Maria sa ilalim ng iba’t ibang titulo ang iprinusisyon sa Intramuros, Maynila kahapon.
Ito ay bilang bahagi ng ika-39 na Intramuros Grand Marian Procession.
Libu-libong katao ang dumalo upang tunghayan ang mga imahen ng birhen na galing pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ilan sa mga ito ay nagawaran ng koronasyong kanonikal at episkopal habang ang iba naman ay pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal.
Ang taunang prusisyon na ito ay ginaganap sa unang Linggo ng Disyembre bilang paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion tuwing Disyembre 8.
Ilan sa mga sikat na titulo ng Birheng Maria ay ang La Naval de Manila, Birhen ng Aranzazu ng San Mateo at Nuestra Señora de los Desamparados ng Sta. Ana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.