Pinay singer, pasok na sa live shows ng “The X Factor Romania”

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 10:15 PM SHARE(S):
Photo grab from The X Factor Romania’s Youtube video

Patuloy ang pag-arangkada ng Filipino singer na si Bella Santiago sa “The X Factor Romania” Season 8.

Natalo ng 29-year old na singer si Christian Sanda sa Duel round matapos itanghal ang kantang “Total Eclipse of the Heart” ni Bonnie Tyler.

Isinalarawan ni Sanda ang Pinay singer bilang isang complete package dahil sa ganda ng kaniyang boses at stage presence.

Dahil dito, si Santiago na ang kauna-unahang Pinay na nakaabot sa live shows ng naturang singing competition.

Nananatiling crowd favorite ng season ang CaviteƱa dahil sa dami ng views ng kaniyang performances sa social media.

Isa na si Santiago sa walong contestants na pasok sa live show sa December 9, 2018.

TAGS: Bella Santiago, The X Factor Romania, Bella Santiago, The X Factor Romania

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.