Ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite, 12 hanggang 16 oras na mawawala ng suplay ng tubig

aug b10 igib manila ruel
File Photo / Ruel Perez

Maapektuhan ng water interruption ang bahagi ng Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Imus City sa Cavite.

Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila pagkukumpuni sa water treatment plant sa Muntinlupa City bilang bahagi ng pagsaayos ng serbisyo sa West Zone.

Dahil sa nasabing proyekto, pansamantalang mawawalan ng tubig sa ilang bahagi ng Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Imus City, Cavite mula ngayong araw, Nobyembre12, hanggang bukas, Nobyembre 13.

Narito ang listahan ng mga lugar na maaapektuhan ng water interruption ng Maynilad:

November 12 (12:00nn) to November 13 (12:00nn)
LAS PIÑAS CITY
– Almanza Uno
– Almanza Dos
– Talon Uno
– Talon Tres

November 12 (12:00nn) to November 13 (12:00nn)
MUNTINLUPA
– Alabang (Maliban sa Hi-way homes)
– Ayala Alabang
– Buli (P4 on-site Puyat)
– Cupang (along East Service Road mula sa Fabian compound at Balbanero Compound hanggang Liberty Homes)
– Poblacion (NHA Southville 3)
– Sucat (Pilipinas Makro, Inc.)
– Tunasan (Victoria Homes)

November 12 (12:00nn) to November 13 (5:00am)
PARAÑAQUE CITY
BF Homes
– BF Classic
– Circulo 12
– BF East Phase 6
– BF Harp
– BF Phase 6A
– Goodwill 2 and 3
– Sinagtala
– Tahanan Village
– Sucat West Service Road-Soreena Avenue
Don Bosco
– Better Living
San Martin de Porres
– United Hills Village
– United Parañaque Subdivision
– Areas along East Service Road

November 12 (4:00pm) to November 13 (8:00am)
MUNTINLUPA
– Hi-way Homes, Alabang
– Bayanan
– Poblacion (maliban sa NHA Southville 3)
– Putatan
– Tunasan (maliban sa Victoria Homes)

November 12 (12:00nn to 10:00pm) and November 13 (6:00am to 12:00nn)
IMUS CITY
– Buhay na Tubig
– Anabu II-B to II-F
– Malagasang I-F, II-C hanggang II-D
– II-F to II-G

November 13 (5:00am) to November 13 (12:00nn)
MUNTINLUPA
– Buli (maliban P4 on-site Puyat)
– Cupang (maliban sa East Service Road, Fabian Compound at Balbanero Compound hanggang Liberty Homes)
– Sucat (maliban Pilipinas Makro Inc.)

Pinayuhan na ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig.

Read more...