2 patay, 1 sugatan sa sunog sa Zamboanga

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 06:34 PM
Dalawa patay sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Zamboanga City, Linggo ng umaga. Ayon kay Zamboanga City Fire District marshal Supt. Jhufel M. Brañanola, isang kaso ng arson ang sunog. Nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng isang Marilou de la Cruz sa bahagi ng J. Johnston Street sa Barangay San Jose Gusu dakong 10:15 ng umaga. Kinilala ang nakatira sa bahay na si Rico Turco Vidal, 36-anyos, at ang bisita nito na si Tubio Maningo, 51-anyos. Sa hindi pa nalalamang rason, sinaksak ng pitong beses ni Vidal si Maningo bago sinunog ang bahay. Sina Vidal at Maningo ang nasawi sa sunog. Samantala, sugatan naman ang isang bumbero na si FO2 Ryan Batayen. Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog na may kabuuang P1.3 milyong halaga ng pinsala.

TAGS: Jhufel M. Brañanola, sunog, Zamboanga, Jhufel M. Brañanola, sunog, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.