9 scalpers sa Game 1 ng UAAP Finals sa MOA Arena, arestado
Arestado ang siyam na scalpers sa ginanap na Game 1 ng University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University (ADMU) para sa UAAP Season 81 Finals sa Mall of Asia Arena, araw ng Sabado (December 1, 2018).
Hinuli ang mga suspek dahil sa paglabag sa City Ordinance 192 o Anti scalping.
Nakilala ang mga naarestong scalper na sina Alfredo Molina, Michael Diño, Jhon Sandell Guison, Edgardo Lacap IV, Antonio Borja, Alex Viñas, Rex Peral, Billy Jon Alturas at Alberto Manarang.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar, karamihan sa mga dumalo sa naturang basketabll game ay mga estudayante.
Nakakaawa naman aniya ang mga estudyante kung magbabayad ng sampu hanggang dalawampung beses na mas mahal kaysa sa orihinal na presyo ng ticket.
Dagdag pa nito, mas paiigtingin pa ang operasyon para bantayan ang mga scalper sa buong kasagsagan ng UAAP Finals.
Kasunod nito, binalaan na ni Eleazar ang mga sindikato at oportunista na itigil na ang ilegal na pagbebenta ng mga ticket.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.