Responsibilidad ng mga gobyerno sa buong mundo na labanan ang mga drug trafficker na nagiging dahilan ng kamatayan ng iba.
Sinabi ito ni Pope Francis sa isang conference sa Vatican City.
Ayon sa Santo Papa, patuloy ang paglaganap ng pagbebenta ng droga dahil sa “secularized cultural climate” at capitalism of consumption.
Tinalakay din sa nasabing conference ang mga luma at bagong isyu sa drug addiction na nagiging sagabal sa human development.
Dahil dito, iginiit ng Santo Papa na dapat labanan ang lahat ng pagbebenta ng droga at tungkulin ito ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES