Pagtulong ng grupo nina Ocampo, Castro sa mga Lumad, tuloy pa rin

By Chona Yu December 02, 2018 - 02:44 PM

Congress photo

Tuloy pa rin ang pagtulong ng grupo nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa mga batang Lumad sa Mindanao region.

Ito ay kahit nakulong na at maakusahan ng kidnapping at trafficking sa Davao Del Norte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Castro na sa ngayon, pinatunayan lang ng karanasang ito na kailangang tulungan ang mga batang Lumad na maisulong ang kanilang karapatan na makapag-aral at mapangalagaan ang kanilang ancestral land.

Sinabi pa ni Castro na bagamat delikado, lalo pang lumakas ang kanilang loob na tulungan ang mga Lumad.

Kasabay nito, pinag-aaralan na ng kanilang hanay kung magsasampa ng asunto laban sa Philippine National Police (PNP) at iba pang kagawad ng pamahalaan.

TAGS: France Castro, PNP, satur ocampo, France Castro, PNP, satur ocampo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.