Handa na ang Gilas Pilipinas para sa ikalawang round ng Fiba World Cup Asian Qualifiers.
Ito ay matapos makatapat ng Pilipinas ang Japan sa third place para sa Group F na may 5-4 win-loss record.
Sa isang panayam, sinabi ni Gilas head coach Yeng Guiao na dapat manalo ang koponan sa kanilang susunod na laban.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang bansang Iran na may 6-4 win-loss record.
Ramdam aniya ang pressure ng buong koponan ngunit dapat aniya itong tanggapin maging ang kaakibat na consequences nito.
Sinabi pa ni Guiao na ang pagiging malakas at mabilis ang magiging susi sa kanilang panalo kontra sa Iran.
Sakaling manalo kontra sa Iran, makakatapat ng Pilipinas ang Iran sa second place sa team standings.
Samantala, pitong koponan lang mula sa Asian region ng Fiba ang maaaring makapasok para sa 2019 Fiba Basketball World Cup.
Sa naturang rehiyon, tanging ang Pilipinas at China ang may tsansang makapasok sa world cup.