Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasamang ipinagdiwang ang 7th birthday ng kanilang anak

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 01:59 PM

Gabby Eigenmann’s Instagram account

Magkasamang ipinagdiwang nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang ika-7 kaarawan ng kanilang anak na si Ellie.

Idinaos ang gymnastics-themed party ni Ellie noong December 1, 2018, ilang araw matapos ang kanyang kaarawan noong November 23.

Puno ang party ng makikintab na hulahoops at mga balloons na may kulay pink, silver at blue.

Nagsuot naman ang birthday celebrant ng blue at purple leotards kasama ang kaniyang customized silver jacket na may nakasulat na “Ellie 7.”

Samantala, sina Jake at Andi naman ay nagsuot ng blue at pink na jacket na may nakasulat na “Team Ellie.”

Parehong suportado nina Jake at Andi paboritong sports ni Ellie kung saan nakakapag-uwi pa ng mga medalya.

Dumalo rin sa party ang mga kaanak nina Jake at Andi. Ilan sa mga ito ang mga kapatid ni Andi na sina Gabi, Max at Stevie, at kapatid ni Jake na si Jerika.

TAGS: 7th birthday, andi eigenmann, Ellie, Jake Ejercito, 7th birthday, andi eigenmann, Ellie, Jake Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.