Pagsasantabi ng Senado sa Cha-Cha, hindi kataka-taka – Malakanyang

By Chona Yu December 02, 2018 - 01:28 PM

Naiintindihan ng Palasyo ng Malakanyang ang sentemyento ng Senado na hindi nila prayoridad ngayon ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) o pagbabago ng kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.

Paliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kinakailangan kasing gawing prayoridad muna ang pagpasa sa 2019 national budget.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Panelo na kapag hindi naipasa ang 2019 national budget, magkakaroon lang ng reenacted budget sa susunod na taon.

Nasa Kongreso na aniya ang pagpapasya kung paano itutuloy ang pagpasa sa Cha-Cha.

Kumpiyansa naman si Panelo na bagamat tatlong taon na lang ang natitira sa administrasyong Duterte, kakayanin pa rin na makamit ang Pederalismo basta’t may political will lamang.

TAGS: Cha-Cha, Congress, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Senate, Cha-Cha, Congress, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.