UP coach Perasol, kampanteng matatalo ang Ateneo sa Game 2 ng UAAP Finals

Inquirer file photo

Matapos ang unang sagupaan ng University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University (ADMU) sa tinaguriang “Battle of Katipunan,” tiwala si UP head coach Bo Perasol na kayang talunin ng kanilang koponan ang defending champions.

Ayon kay Perasol, posibleng matalo ng UP Fighting Maroons ang defending champions na Ateneo Blue Eagles at makuha ang kampeonato ngayong UAAP season 81.

Bago magsimula ang Game 1, marami aniya ang hindi naniniwalang kakayanin ng UP ang Ateneo dahil wala silang karanasan sa Finals.

Ngunit giit nito, pinatunayan ng UP na kaya nilang labanan at makipagsabayan sa mga dating kampeon.

Samantala, naging dikit ang iskor sa loob ng tatlong quarter ng Game 1. Sa huling tatlong minuto, umarangkada ang Ateneo at tinapos ang laro sa iskor na 88-79.

Umaasa si Perasol na makukuha ng UP Fighting Maroons ang panalo laban sa Ateneo Blue Eagles sa susunod na laro.

Magaganap ang susunod na tapatan ng dalawang koponan sa Game 2 ng UAAP season 81 Finals sa Miyerkules, December 5, 2018.

Read more...