Natapos ang malaking pag-uusap nina U.S. President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping hinggil sa usapin ng kalakalan sa Argetina nitong Sabado.
Gayunman, hindi nagsalita ang dalawang lider ukol sa nasabing pagpupulong.
Mainit ngayon ang Estados Unidos at ang China dahil sa economoc dispute sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa report, sa simula ng pagpupulong ng dalawang lider, inihayag ni Trump na inaasahan nitong mayroong silang makakamtan na “something great” sa pag-uusap.
Dagdag pa ni Trump, ang magandang relasyon nila ni Xi ang magiging dahilan para maayos ang isyu sa kalakalan ng dalawang bansa.
Ayon naman kay Xi, sa pamamagitan ng kooperasyon makakamit ng China at US ang kapayapaan at kasaganahan.
Ngunit matapos ang halos dalawa’t kalahating oras na pulong, agad dumeretso sa paliparan si Trump para sa kaniyang pagbabalik sa Washington D.C.
Matatandaang nais ni Trump na lagyan ng bagong taripa ang Chinese imports na papasok sa Estados Unidos.