Lalaki, patay matapos maipit ng 2 bus sa Makati

Patay ang isang lalaki matapos maipit ng dalawang pampasaherong bus sa Makati City, araw ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Luis Oracion, isang overseas Filipino worker na residente ng Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Southern Police District (SPD), pasakay si Oracion ng bus sa bahagi ng EDSA Guadalupe northbound lane.

Hindi umabot si Oracion sa sasakyang bus at sa halip ay naipit ng Nicolas Albert Transport Bus at Pitbull Bus Transport.

Itinakbo pa ang biktima sa Ospital ng Makati ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang drayber ng bus para imbestigahan ang aksidente.

Read more...