Aiko Melendez kinarir ang pagiging guro sa Aeta community
Totoong pawis ang tumulo sa katawan ng magaling at in demand actress na si Aiko Melendez, sa pagganap nya bilang isang dedicated teacher sa isang aeta community, sa pelikulang Tell Me Your Dreams.
Kwento ng aktres, hindi peke ang ginawa nyang paglalakbay sa isang malayo at liblib na lugar upang turuan ang mga batang aeta bilang sentro ng kwento ng pelikula. Na-experience nya mismo ang manirahan sa tahanan mismo ng mga aeta.
Papel ni Aiko ang isang gurong piniling magturo sa isang aeta community na napaka layo sa lungsod. Kapag walang pasok ay binibisita nya ang kanyang naiwang pamilya, ang kanyang ina na ginampanan ng beteranang aktres na si Perla Bautista.
“Them being raw is something I admire about aetas, no pretensions. It’s always a new experience to be working with people thats rich in culture. It’s something na babaunin ko for the rest of my life,” pagbabahagi nya.
Kahanga-hanga ang ginawa ng kanyang karakter, na galing mismo sa bibig ng Kapamilya actress na totoong kwento ito ng guro. Kahanga-hanga rin ang ipinakitang sincerity ni Melendez sa advocacy film na ito sapagkat base sa kwento ng direktor, hindi raw nag inarte ang bida at sobrang professional.
Makikita rin ang sincerity at authenticity ng lead actress sa pelikulang produced ng Golden Tiger Films. Nai-deliver nya ang hinihinging acting ng pelikula.
Dahil husay ng acting, sinubukan na rin ng director ang kanyang swerte kaya’t isinali sa Orange Film Festival sa Turkey. Excited sila sa magiging resulta.
Ito na ang ikatlong beses na gumanap na guro si Aiko. Sa kanyang showbiz career ay suportado sya ng kanyang boyfriend na si Mayor Jay Khonghun na maluha-luha noong pinanood ang pelikula ng girlfriend sa special screening sa Cebu.
Tribute ang Tell Me Your Dreams para sa lahat ng guro. Mapapanood ito simula December 5 sa lahat ng Starmall at Vista Mall sa bansa. Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang. Sa Vista Mall naman sa Daang Hari, sa Evia sa Alabang, at sa Pampanga, Bataan, Taguig, Sta. Rosa, Laguna, Las Piñas, pati na sa Naga.
Nakaikot na rin sa ilang schools ang pelikula na naglalayong makapagbigay ng inspirasyon sa mga bata na huwag tumigil mangarap. Kagaya ng linya sa pelikula ni Anthony Hernandez, ang buhay ay parang isang paglalakbay, sa umpisa ay talagang mahirap hanggang sa marating mo ang destinasyon mo. Nariyan ang inyong mga pangarap, huwag mong bibitawan.
Nang ibato ang katagang tell me your dreams kay Aiko—teacher or lawyer—pagtatapos nya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.