1 patay, 2 sugatan sa landslide sa Bulacan

By Angellic Jordan December 02, 2018 - 08:40 AM

Google map

Patay ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang dalawa nitong kamag-anak sa naganap na landslide sa Sta. Maria,
Bulacan.

Gumuho ang lupa sa kanilang tahanan sa bahagi ng Barangay San Jose Patag.

Ayon kay Sta. Maria police chief Supt. Carl Omar Fiel, nakuha ang katawan ni Leonard Dorimon Jr. sa gumuhong lupa bandang 4:14, Biyernes ng madaling-araw.

Nasagip naman ang mga kaanak na sina Teresita, 60-anyos, at Andrea, 8-anyos.

Dinala ang mga biktima sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital para mabigyan ng lunas.

TAGS: landslide, sta. maria bulacan, landslide, sta. maria bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.