Ocampo, Castro pansamantala nang nakalaya

Photos from Police Regional Office 11

Nakalaya na sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT-Teachers party list Rep. France Castro at 16 iba pa mula sa kulungan sa Talaingod, Davao Del Norte.

Ito ay matapos makapagbayad ang bawat isa ng piyansa na nagkakahalaga ng P80,000 sa Tagum Regional Trial Court.

Ipinag-utos ni Tagum City Executive Judge Arlene Palabrica ang pagpapalaya sa grupo ni Ocampo sa kabila ng pagtutol ng Philippine National Police (PNP).

Nahaharap sina Ocampo, Castro at iba pang kasama sa kasong kidnapping at human trafficking.

Read more...