Tumakbo nang naka-high heels ang nasa dalawang daang katao sa Tour de Takong o Stiletto Race sa Marikina City kahapon (December 1).
Ito ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Sapatos Festival sa tinaguriang “Shoe Capital” ng Pilipinas.
Sa kahabaan ng Shoe Avenue, nagpaligsahan ang mga indibidwal na naka-high heels na iba’t ibang ang disensyo.
May mga agaw-pansin din dahil naka-costume pa.
At mapa-babae o lalaki, game na game sa pagtakbo suot ang kanilang stiletto shoes.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, ang Stiletto Race ngayong taon ay may temang nanghihikayat sa mga tao na wakasan na ang karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan.
MOST READ
LATEST STORIES