“Thank You, Next” music video ni Ariana Grande, trending

By Isa Avendaño-Umali December 02, 2018 - 03:07 AM

 

Pumalo na sa mahigit 50 million ang views sa Youtube ng bagong music video ni Ariana Grande na “Thank You, Next.”

At batay sa Youtube, na-break na ng “Thank You, Next” music video ang rekord para sa “most viewed” sa loob ng 24-hours.

Maraming nag-abang sa naturang MTV, kaya naman pagkalabas nito ay agad na nagtrending.

Lalong naintriga ang fans dahil nabanggit ni Ariana sa kanyang song ang pangalan ng ilan sa kanyang mga “ex” o dating boyfriends, tulad nina Pete Davidson at Mac Miller.

Pero highlight ng music video ang “throwbacks” sa ilang sikat na pelikula, kung saan naging tampok ang mga kababaihan.

Kabilang na dyan ang “Mean Girls,” “Bring it On,” “13 Going on 30,” at “Legally Blonde.”

May cameo appearances din si Kris Jenner, maging si Jennifer Coolidge, na original cast sa Legally Blonde.

TAGS: Ariana Grande, Next, Thank You, Ariana Grande, Next, Thank You

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.