Ateneo, nakuha ang unang panalo sa UAAP finals kontra UP
Tinapos ng defending champion Ateneo ang momentum ng pagbabalik ng University of the Philippines sa finals matapos itong manalo sa Game 1 ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena Sabado ng gabi sa score na 88-79.
Dahil dito ay isang panalo na lang ang Blue Eagles para sa kanilang posibleng ikalawang sunod na titulo at 10th overall matapos nilang ipakita ang kanilang championship experience laban sa Fighting Maroons na balik finals mula noong 1986.
Pinangunahan nina Thirdy Ravena at Matt Nieto ang panalo ng Ateneo.
Gumawa si Ravena ng triple-double na 21 points, 10 rebounds, 9 rebounds at 2 steals habang si Nieto ay nagtala ng career-high 27 points sa 9-of-16 shooting bukod pa sa 3 steals nito.
Isang blow sa UP ang pagkawala ni Bright Akhuetie sa 6:31 mark ng third quarter dahil sa injury matapos silang magkabungguan ni Ange Khoume ng Ateneo.
Pero bumalik sa laro si Akhuetie sa natitirang 7 minuto ng fourth quarter at dahil sa free throws nito ay lumamang ang UP, 71-68, sa halfway ng huling kwarter.
Gayunman, nanaig ang Ateneo na gumawa ng 14-2 run sa sumunod na mga minuto.
Para sa back to back UAAP titles, target ng Ateneo na tapusin na ang championship at i-sweep ang finals series sa Game 2 sa Miyerkules December 5 sa Araneta Coliseum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.