Philippine Azkals, umapela ng dagdag-suporta mula sa Filipino fans

 

“All-set” na ang Philippine Azkals sa kanilang first leg semi-finals match kontra team ng Vietnam para sa AFP Suzuki Cup 2018.

Gaganapin ito sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod, 7:30 ng gabi ng Linggo (December 2, 2018).

Ayon sa Philippine team, gustong-gusto nilang manalo kaya sana ay i-cheer at suportahan sila ng ating bansa.

Sinabi ni Phil Younghusband na kumpara sa ibang teams sa Suzuki Cup 2018 competition, nakakalungkot na ang Pilipinas ang may pinakamababang attendance pagdating sa supporters.

Kaya apela ng Azkals sa mga Pilipino, kung kayo ay nasa Bacolod, o kung kayang magtungo sa Bacolod, sana ay mapuno ang Panaad Stadium upang masaksihan ang laro.

Para naman sa second leg, makakatunggali ng Azkals ang koponan ng Vietnam sa My Dinh National Stadium, sa Vietnam.

Samantala, nagtapos sa “goalless” draw ang paghaharap ng mga koponan ng Malaysia at Thailand sa kanilang unang semi-finals game.

Sa kabila nito, napakalaki ng attendance sa Bukit Jalil Satdium, kung saan umabot sa 87,545 ang sumaksi sa tournament.

Sa December 5, 2018 ay magkakaalam kung may magtatagumpay na pagitan ng Malaysia at Thailand sa semi-finals second leg.

 

Read more...