Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ikinalulungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ng dating pangulo.
Inalala ng Malakanyang ang foreign policy ni Bush na naging susi sa pagtatapos ng Cold War.
Dagdag pa nito, pinagtibay nito ang kalayaan na nagsisilbing simbolo ng pag-asa sa buong mundo.
Nagparating din ng dasal ang Malakanyang sa mga kamag-anak at kaibigan ni Bush maging sa gobyerno sa mga residente ng Amerika.
Pumanaw si Bush sa kanilang bahay sa Houston, Texas bandang 10:10, Biyernes ng gabi (araw sa Amerika).
Si Bush ang ika-41 presidente ng Amerika.
MOST READ
LATEST STORIES