Malakanyang, nakiramay sa pagpanaw ni ex-US Pres. George H.W. Bush

By Angellic Jordan December 01, 2018 - 06:12 PM

Nakiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni dating U.S. President George Herbet Walker Bush sa edad na 94.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ikinalulungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ng dating pangulo.

Inalala ng Malakanyang ang foreign policy ni Bush na naging susi sa pagtatapos ng Cold War.

Dagdag pa nito, pinagtibay nito ang kalayaan na nagsisilbing simbolo ng pag-asa sa buong mundo.

Nagparating din ng dasal ang Malakanyang sa mga kamag-anak at kaibigan ni Bush maging sa gobyerno sa mga residente ng Amerika.

Pumanaw si Bush sa kanilang bahay sa Houston, Texas bandang 10:10, Biyernes ng gabi (araw sa Amerika).

Si Bush ang ika-41 presidente ng Amerika.

TAGS: George H.W. Bush, Palasyo ng Malakanyang, George H.W. Bush, Palasyo ng Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.