CHR, nagkasa ng imbestigasyon sa umano’y pagkulong kina Ocampo at Castro
Naglunsad ang Commission on Human Rights (CHR) ng imbestigasyon sa umano’y pagkulong kina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers partylist Rep. France Castro sa Talaingod, Davao Del Norte.
Sa isang press conference, sinabi ni CHR chairperson Chito Gascon na nagpadala na sila ng quick-response at fact-finding teams sa Talaingod para imbestigahan kung nalabag ang karapatan nina Ocampo at Castro.
Tiniyak ni Gascon ang pagtutok sa kaso at pagsiwalat sa publiko sakaling mayroong nalabag na karapatan sa mga akusado.
Sa ngayon, inaantabayanan pa ng CHR ang report mula sa kanilang investigating team.
Samantala, nagpiyansa na ang sina Ocampo, Castro at iba pang kasamahan ng P80,000 bawat isa sa Tagum Regional Trial Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.