Supporters ng UP at Ateneo para sa UAAP Finals, dagsa na sa MOA Arena

Kuha ni Alvin Barcelona

All out ang supporta ng mga taga-University of the Philippines at Ateneo de Manila University sa UAAP Championship game sa MOA Arena, Sabado ng hapon.

Patuloy ang pagdagsa ng mga nakasuot ng kulay Marooon, ang school color ng UP at mga naka-itim na shirts, ang kulay na ipinanawagan ng Ateneo Student Council na isuot ng mga supporter ng kanilang basketball team.

Bagamat magkakapareho ng kulay na suot, magkakaiba ang mensahe na nakalagay sa t-shirt ng mga taga-UP.

Dahil sa inaasahang mahigpit na labanan sa pagitan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles, mahigpit din ang pinaiiral na seguridad sa loob at paligid ng MOA Arena.

Mabigat na ang daloy ng trapiko sa paligid ng MOA at sa MOA globe dahil sa volume ng mga sasakyan.

Nagbabantay sa kaayusan sa paligid ng area ang mga private security at traffic enforcer ng mall at ang mga local police.

Read more...