Comelec, inumpisahan na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa exemption sa gun ban

By Alvin Barcelona December 01, 2018 - 03:12 PM

Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) na umpisa December 1, 2018 ang aplikasyon para sa exemption sa gun ban sa 2019 midterm election.

Ayon sa Comelec, ang mga kwalipikadong indibidwal at grupo ay maaaring mag-apply ng certificate of authority mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBFSP).

Ang mga form at requirement ay dapat na isumite sa CBFSP office na matatagpuan sa Comelec main office sa Intramuros, Maynila hanggang sa deadline nito sa May 29, 2019.

Tatanggap ang CBFSP ng aplikasyon mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang gun ban ay nakatakdang umpisahan sa January 13, 2019.

Una rito, inilabas ng Comelec ang en banc resolution no. 10446 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril ng lahat ng sibilyan kahit ang mga nagtataglay ng permit to carry sa labas ng bahay o lugar ng negosyo nito maliban sa ilang exemption na itinakda ng poll body.

TAGS: 2019 midterm election, CBFSP, comelec, Gun ban, 2019 midterm election, CBFSP, comelec, Gun ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.