“Big-time” drug pusher, arestado sa Legazpi City

Inquirer file photo

Naaresto ang isang umano’y big-time na tulak ng droga sa buy bust operation sa Legazpi City.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, Bicol Police spokesperson, huli sa aktong nagbebenta ng shabu si Anthony Orense sa isang undercover agent sa Barangay Peñaranda.

Nakuha kay Orense ang dalawang sachet ng shabu na may timbang na 9.5 grams at nagkakahalaga ng halos P65,000.

Sinabi naman ni Cotton Talento, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA), ang suspect ay miyembro ng notorious drug group na nag-ooperate sa lungsod.

Si Orense aniya ay nasa listahan ng PDEA watchlist bilang isang high-value target.

Read more...