PNP: Eskwelahan na pinagdadalhan nina Ocampo at Castro sa mga batang Lumad, iba ang itinuturo
Iba ang itinuturo ng eskwelahan kung saan dinadala umano nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang mga batang Lumad.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, nang makausap nila ang mga Lumad ay sinabi ng mga ito na iba ang itinuturo sa kanila, maski anila ang pambansang awit ay iba.
Sinabi pa ni Albayalde na pinipilit ng grupo nina Ocampo at Castro ang 14 na menor de edad na kunwari ay mag-aral pero iba ang itinuturo sa kanila.
May problema anya ang mga naaresto lalo na kung talagang may reklamo ang mga magulang ng mga kinuhang kabataan.
Welcome naman sa PNP ang plano nina Ocampo at Castro na magsampa ng counter-charges laban sa mga pulis at sundalo na umaresto sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.