6 na rebeldeng NPA, sumuko sa Sultan Kudarat

By Angellic Jordan December 01, 2018 - 12:40 PM

Pagkatapos na mabalitaan na totoo ang mga benepisyong ibinibigay sa mga sumusukong rebelde, anim na mga miyembro ng komunistang grupo ang sumuko sa pamahalaan dakong 1:00, Biyernes ng hapon (November 30, 2018).

Pormal silang naiprisinta ni Lt. Col. Harold Cabunoc kay Mayor Randy Ecija Jr. ng bayan ng Senator Ninoy Aquino at kay Col. Robert Dauz ng 1st mechanized infantry brigade.

Ayon kay Ka Loloy, isa sa sumukong rebelde, di raw natupad ang pangako ni Ka Makmak ng Platoon My Phone tungkol sa pagbigay sa kanila ng lupain. Dagdag pa niya ay nabalitaan niya sa dating mga kasamahan na makatotohanan ang livelihood benefits para sa sumukong rebelde.

Samantala, bumisita naman si Usec. Reynaldo Mapagu, chief ng Task Force Balik Loob, sa Barangay Midtungok sa naturang bayan, dakong 9:00 para suriin ang proposed housing project site para sa surrenderees.

Ayon kay Mapagu, tinutupad ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga nagbalik loob sa gobyerno.

Kinausap din ni Usec. Mapagu ang humigit kumulang sa 80 rebelde na nauna nang sumuko simula Mayo 2017.

TAGS: NPA, sultan kudarat, Task Force Balik Loob, Usec. Reynaldo Mapagu, NPA, sultan kudarat, Task Force Balik Loob, Usec. Reynaldo Mapagu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.