Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang suspek sa furniture shop at nagpanggap na kostumer bago barilin ang biktimang si Linos Cubol.
Nadala pa si Cubol sa ospital pero idineklara itong patay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.
Iginiit naman ng misis ng biktima na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang asawa.
Kamakailan, nagpa-blotter ito laban sa lima katao na pinaratangan niya ng pagnanakaw sa isang minahan sa kanilang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES