Pamilya ng napatay na dating secgen ng KMU, humihingi ng hustisya
Hustisya ang panawagan ng pamilya ng dating secretary general ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na napatay makaraang pagbabarilin sa loob ng furniture shop sa Santiago, Agusan del Norte noong Martes, November 27.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang suspek sa furniture shop at nagpanggap na kostumer bago barilin ang biktimang si Linos Cubol.
Nadala pa si Cubol sa ospital pero idineklara itong patay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.
Iginiit naman ng misis ng biktima na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang asawa.
Kamakailan, nagpa-blotter ito laban sa lima katao na pinaratangan niya ng pagnanakaw sa isang minahan sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.