7 sugatan sa sakmal ng aso sa Basilan

By Jimmy Tamayo December 01, 2018 - 11:07 AM

Sugatan ang pitong katao makaraang atakihin umano ng asong ulol sa Barangay Sumagdang, Isabela City, Basilan.

Ayon sa ulat, pawang nasa kalsada ang mga biktima na karamihan ang mga bata nang bigla na lamang umatake ang aso.

Sakmal sa mukha, braso at iba pang parte ng katawan ang tinamo ng mga biktima bago mapatay ang aso.

Inaalam pa kung ano ang nagtulak sa aso para magwala at mangagat.

TAGS: aso, Basilan, aso, Basilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.