Muling umarangkada ang Christmas train ng Light Rail Transit (LRT).
Sa ikatlong sunod na taon, muling inilunsad ng pamunuan ng LRT line 1 ang kanilang Christmas-themed train simula sa araw ng Biyernes, November 30, 2018.
Sa first trip ng LRT, nabigyan ng pagkakataon na maka-sakay sa Christmas train ang nasa 50 mga orphans mula sa Hospicio De San Jose at Pangarap Foundation.
Sa loob ng Christmas train, may naka-dekorasyon na mga parol, Christmas balls at pine tree leaves sa paligid.
Sa bintana naman ng train ay may mga larawan ng ibat-ibang simbahan sa Pilipinas at mga tourist attractions sa Metro Manila.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) bukod sa Holiday season, ang nasabing dekorasyon ay bahagi ng kanilang “Ikot Manila” campaign para mahikayat ang marami na sumakay ng train para mag-ikot sa iba’t-ibang lugar sa Kamaynilaan.
May mga QR codes din ito para sa mga smartphones kung saan makikita ang ilang mga impormasyon sa isang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.