Lalaki patay sa pananaksak sa Marikina

Courtesy of Brgy. Concepcion Uno

Nasawi ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng holdap sa kanto ng J. Molina St. at Bluebird St. sa Concepcion Uno, lungsod ng Marikina.

Ayon sa barangay, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang may tumawag sa kanila tungkol sa lalaking ito na nakahandusay sa kalsada.

Nakita ang biktima na may saksak sa dibdib at batok.

Tintitingnang dahilan ng pananaksak ay ang holdap dahil sa nawawalang cellphone ng lalaki.

Gayunman, hindi naman nakuha ang iba pang gamit nito tulad ng laptop at wallet.

Alam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima ngunit hindi pa ito pinangalanan dahil ipapaalam pa sa pamilya ang nangyari.

Patuloy na iimbestigahan ng Marikina Police ang krimen.

Read more...