Isang magnitude 7.0 na lindol ang yumanig sa Southern Alaska kaninang ala-1:29 ng umaga oras sa Pilipinas.
Ayon sa Phivolcs, may lalim ang pagyanig na 34 kilometro.
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, naglabas ng tsunami warning sa coastal areas ng Kenai Peninsula matapos ang napakalakas na pagyanig.
Inaalam naman ng US Tsunami Warning System ang panganib ng tsunami sa coastal area ng US at Canada sa North America.
Sinabi naman ng Pacific Tsunami Warning Centerna walang tsunami na inaasahan sa Pacific region maging sa Hawaii.
Sa abiso rin na inilabas ng Phivolcs, pinawi rin nito ang pangamba ng tsunami na makakaapekto sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.